TRENDING | Bagong style ng pantalon – inilbas ng isang fashion house sa Los Angeles

Los Angeles – Isang bagong design ng pantalon ang inilabas kamakailan ng Los Angeles fashion house na Carmar.

Ito ay ang “extreme cut out jeans” na literal na grabe ang pagkakaputol sa mga bahagi ng pantalon!

Paano ba naman kasi, ang waist at seams na lang ng trousers ang makikita sa pantalon kaya kitang-kita ang legs ng sinumang magsusuot nito.


Pinagde-debatehan tuloy ngayon ito sa social media at marami ang nagtatanong kung joke lang ba ang nasabing pantalon?

Mabibili ito sa halagang 168 Dollars o katumbas ng P8,700.

Facebook Comments