Hollywood – Excited na ngayon ang mga fans sa panibagong James Bond movie na pagbibidahan muli ng aktor na si Daniel Craig.
Ilan sa eksena ay kinunan sa Cardona, Spain kung saan ito na ang ika-25 installment ng nasabing pelikula.
Matatandaan na noong 2015 ay inihayag ni Craig na titigil na ito sa paggawa ng nasabing pelikula kaya at ikinatuwa ng mga fans ang pagbabago nito ng desisyon.
Usap-usapan naman na binabayaran ang actor ng $66 million para muling gumanap sa nasabing pelikula.
Facebook Comments