TRENDING | Drew Arellano, may limit daw sa pagpapakita ng mga pictures ng anak na si Primo sa social media

Manila, Philippines – Hindi raw inakala ni Drew Arellano na magiging popular sa social media ang panganay na anak nila ni Iya Villania na si Primo.

Tulad lang ng ibang mga magulang, ikinatutuwa nila ang pagpu-post ng pictures at video ng kanilang anak.

Say ni Drew, masayahing bata daw kasi si Primo kaya at nakakapagbigay daw siya ng goodvibes.


Pero, kahit na ganoon pa daw, may limit naman sila sa pagpo-post ng mga happy pictures ng kanilang anak.

At pagdating naman sa mga negatibong komento mula sa netizens, ipinagkikibit-balikat na lang daw nila ni Iya ang mga ito.

Facebook Comments