Japan – Agaw eksena ngayon sa mga kalye sa Kyoto, Japan ang kakaibang paraan ng mga trash collectors para mapanatiling malinis ang kanilang lugar.
Nabatid kasi na naka-costume pa ng Samurai ang mga ito kung saan tinawag nila ang kanilang grupo na “Gom Hiroi Samurai” o “Trash Collecting Samurai”
Ikinatuwa din ng mga mamamayan sa Kyoto ang mala-theatrical na paraan ng mga ito sa pagkuha at pagdampot ng mga basura.
Bukod sa pagkolekta ng mga basura, nagpe-perform din sila ng mga song and dance number na talaga naman kagigiliwan ng mga nakakanood ditto.
Dahil dito, sikat na ang kanilang grupo sa buong Kyoto at plano naman nilang bumisita sa ibang syudad sa Japan hindi lamang para mag-perform kundi ipakita din nila na totoo ang motto na “Cleanliness is next to Godliness”.