TRENDING | IG post ni Daniel Padilla, usap-usapan sa social media

Manila, Philippines – Usap-usapan ngayon sa social media kung anong pinagdadaan ngayon ng aktor na si Daniel Padilla.

Nabatid kasi na sa kanyang Instagram account, nag-post ito ng larawan na nasa isang kalsada na may nakasulat na sa stop sa sahig.

Ilan sa mga nag-iisip ay baka konektado daw ang post kay Kathryn Benardo na nahaharap ngayon sa kontrobersiya dahil hindi kumita ang pelikula nito kasama sina Richard Gomez at Sharon Cuneta.
Marami ang nagsasabi na nag-flop ang movie dahil hindi si Daniel ang katambal ni Kathryn at hindi bet ng mga fans si Tom Esguerra.


Gayunpaman, hindi na nagbigay pa ng anumang paliwanag si Daniel na minsan lang maging active sa social media pero kung mag-post ito ay grabe ang hugot.

Facebook Comments