New York – Trending ngayon ang isang babaeng visual artist sa New York dahil sa kakaiba nito talento sa mga miniature canvases.
Nabatid kasi na kayang gumawa ng painting ni Ruby Silvious sa mga teabags na gamit na.
Buod sa pagiging visual artist, isa din graphic designer si Ruby kung saan sinimulan niya ang kaniyang obra sa isang proyekto na tinawag niyang “363 days of tea.”
Kada isang araw na pag-inom niya ng tsaa, isang miniature canvass din ang kaniyang ginagawa.
Dahil dito, marami ang humanga sa galing ni Ruby at ini-encourage nila ito na magpakitang gilas sa Guinness Book of World Records.
Facebook Comments