Pinagkakaguluhan ngayon ang chocolate dream cake na tiyak na magugustuhan ng mga chocolate lovers! Sa itsura pa lang ay talagang matatakam ka na. Hindi mo na kailangang bumili dahil mura at simple lang ang paghahanda ng cake na ito. Narito ang mga recipe at preparasyon upang makagawa ka ng sarili mong chocolate dream cake.
Ingredients:
-1 package of food cake mix
-1 cup cream
-1 tablespoon corn syrup
-1 vanilla & egg yolks
-3/4 cup unsweetend cocoa powder
-1/4 cup sugar
-1/2 boiling water-1 & 1/4 cup of water
-1 tablespoon instant coffee powder
-1 & 1/2 non fat milkj
-1 package whipped topping mix
-1 package chocolate pudding
Proseso:
Para sa paggawa ng cake, painitin ang oven hanggang 350F. Sa isang lalagyanan, sabay-sabay na haluin ang cocoa, sugar at boiling water. Siguraduhing nahalo nang maigi ang mga sangkap. Ihanda rin ang cake mixture, sundin ang hakbang sa pagtimpla nito kasama ang tubig at cocoa. ilagay sa cake pan at i-bake sa loob ng 20 minutong oras o hanggang sa matuyo ito. Pagtapos ay palamigin at ilagay sa isang tabi.
Para naman sa chocolate frosting, ihalo ang coffee mixture sa gatas at haluin. Isunod dito ang 1/2 cup ng cream, corn syrup, chocolate pudding, vanilla at eggyolks. Haluin at idagdag ang whip topping at pudding mixes. Haluin lang ito hanggang sa maging tulad ng whipped cream ang itsura. Pagkatapos ay ilagay sa ref at palamigin ng limang minuto.
Para sa preprasyon ng paghahain, maaaring hatiin ang cake na ginawa at palamanan ng chocolate frosting kada hati. Pupwede rin namang kada layer ng cake ay lalagyan ng chocolate frosting pati na ang gilid nito. Palamigin ng dalawang oras at kapag ihahain na, lagyan ng whipped cream sa ibabaw.
Article written by Mickaella Pellobello
Facebook Comments