Manila, Philippines – Viral sa social media ang sweet tweets ng komedyanteng si Vice Ganda at ng volleyball player ng University of Santo Tomas na si Manuel Andrei Medina.
Nabatid na unang nag-tweet si Medina kay Vice Ganda ng “hello ganda” at pagkatapos nito ay sunod-sunod na ang palitan ng tweet ng dalawa.
Tumagal din ng halos isang oras ang palitan ng mensahe ng dalawa.
Makikita sa pag-uusap nila ang sinabi ni Medina na kung laro lang ang lahat para kay Vice ay hinding hindi naman siya magpapatalo.
Umani ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens… kung saan sabi ng iba ay kailangan lang ng kotse o pangtuition ni Medina.
Facebook Comments