TRENDING | Picture ni Loydie kasama ang pamilya ni Ellen, usap-usapan

Manila, Philippines – Talk of the town na naman ngayon ang ipinost na picture ni John Lloyd Cruz kasama ang mga pamilya ng nobyang si Ellen Adarna.

Sa nasabing larawan ng actor sa kaniyang social media account, makikita na magkatabi ang dalawa habang kasama ang iba pang miyembro ng pamilya ng actress na tila one big happy family.

Bukod dito, nag-post rin si John Lloyd ng lumang larawan ng sexy actress na kinunan naman sa mismong kanilang bahay.


Bagama’t lantaran na ang pagpo-post ng dalawa mula noong nakaraang Nobyembre, hindi pa din naman sila umaamin sa kalagayan ng kanilang relasyon at maging ang usaping pagbubuntis ni Ellen.

Facebook Comments