TRENDING | Video ng lalaking nag-“kiki challenge” habang inaaresto ng mga pulis, viral!

Amerika – Viral ngayon sa social media ang isang suspected murderer na kabilang sa top 10 most wanted list ng Federal Bureau of Investigation sa Amerika.

Kahit nakaposas, nakuha pang magsayaw ni Brazen Antwan Mims ng sikat na kiki challenge ng single hit song na “In my feelings” ng Canadian Rapper na si Drake.

Habang ine-eskortan ng mga pulis papunta sa kotse bigla na lang sumayaw si Brazen nang mapansing kinukuhanan siya ng video ng ilang miyembro ng media.


Nito lang nakaraang buwan nang sumikat ang kiki challenge na pinauso ng comedian na si Shiggy.

Pero nagbabala ang pulisya dahil bagong version ng kiki challenge kung saan makikitang bumaba ang sakay ng kotse habang ito ay umaandar dahil ilang gumaya na raw nito ang nasaktan dahil sa nasabing stunt.

Facebook Comments