Target na maipatupad ang Tri-City Ferry Project bago sumapit ang taong 2027.
Patuloy pa rin ang pagsasagawa ng pag-aaral sa proposed Tri-City Ferry System (TCFS) project ng Dagupan City, Alaminos City at San Fernando City (La Union) sa iprinisentang update ng City Planning and Development Office (CPDO).
Nasa 4.8 billion pesos ang estimated total project cost ng nasabing proyekto na siyang isinaad sa presentation.
Ang Tri-City project ay naglalayon na maimplement ang isang sea transport system na mag-coconnect sa mga lungsod ng Dagupan, Alaminos, at San Fernando para makapagbigay ng alternatibo at mas kapaki-pakinabang na regional transport system.
Nagkakahalagang 4.8 billion pesos ang estimated total project cost ng TCFS na nakasaad sa presentation.
Layunin ng Tri-City project na isang supported initiative ng Cities Development Initiative for Asia (CDIA) na maimplementa ang isang sea transport system na mag-kokonekta sa mga lungsod ng Dagupan, Alaminos at San Fernando upang makapag-provide ng alternative and sustainable regional transport system. Mapapaikli pa raw ang dalawang oras na byahe kung by land sasakay at bababa sa isang oras na travel time kung by boat or ferry.
Nauna ng iprinisenta noong Nobyembre 2022 ang interim report tungkol sa project preparation study para sa TCFS at nagbigay suporta ang alkalde ng Dagupan sa naturang proyekto dahil ang nasabing proyekto ay may maitutulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng lungsod. |ifmnews
Facebook Comments