Trial sa PDAF case ni dating Sen. Jinggoy Estrada, itinakda sa Hunyo

Manila, Philippines – Itinakda na ang petsa para sa trialng plunder case ni dating Senator Jinggoy Estrada kaugnay sa pork barrel scam.
  Sa pre-trial ng anti-graft court kaninang umaga, personalna dumalo si Estrada, maging ang kapwa-akusado nito sa Pork Barrel scam case nasi Janet Lim Napoles.
  Makalipas ang tatlong taon ay nagkasundo ang prosekusyonat depensa sa listahan ng mga ebidensya, laban sa akusado.
  Dahil dito, itinakda na ng Sandiganbayan 5th division saJune 19, 2017 ang unang trial sa kasong plunder ni Estrada, at gagawing tuwingLunes ang pagdinig.
  Si Estrada ay nakakulong sa Philippine National Police oPNP detention facility, kaugnay sa kanyang kasong plunder matapos umanongtumanggap ng daang milyong pisong kickback mula sa NGO ni Napoles, kung saanumano napunta ang PDAF ng datig senador.
 
 
 

Facebook Comments