Trials ng virgin coconut oil sa mga COVID-19 patiens, matatapos sa Nobyembre – DOST

188

Inaasahang malalaman sa Nobyembre ang resulta ng isa sa clinical trials ng virgin coconut oil na isinasagawa ng Department of Science and Technology (DOST).


Ayon kay DOST Secretary Fortunato Dela Peña, ang trials sa Sta. Rosa Community Hospital sa Laguna ay malapit nang matapos dahil siyam na patient volunteers na na-confine at pinagsususpetyahang may COVID-19 ang kailangan para maabot ang 56 target patients para sa trial.

Umaasa ang kalihim na magiging maganda ang kalalabasan ng trials.

Dagdag pa ni Dela Peña, nasa 30 pasyente na ang nakauwi at mabuti na ang kanilang kondisyon.

Sa ilalim ng clinical trials, bibigyan ng virgin coconut oil ang mga pasyente sa almusal, tanghalian at hapunan sa loob ng 28 araw.

Matatandaang sinabi ng DOST na ang lauric acid na matatagpuan sa VCO ay nakikitaan ng bisa mula sa mga inisyal na resulta ng vitro studies.

Facebook Comments