Tricycle at pedicab drivers sa lungsod ng Maynila, binigyan ng ayuda

Aabot sa 17,000 tricycle at pedicab drivers ang binigyan ng ayuda ng lokal na pamahalaan ng Maynila.

Ito ay bilang tulong sa kanila lalo’t isa sila sa lubos na naapektuhan ng krisis sa COVID-19.

Nasa 3,872 pedicab drivers at 13,233 na tricycle drivers ang nakatanggap ng food packs at bigas na ipinamahagi ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB).


Matatandaan na ang ilan sa mga tricycle driver ay inalok ng lokal na pamahalaan ng alternatibong trabaho bilang mga taga-deliver ng pagkain habang wala pa silang pinagkakakitaan dahil sa pag-iral ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Nauna nang naayudahan ang ilang jeepney drivers sa lungsod partikular ang mga miyembro ng Pandacan Transport.

Ilan pa sa mga tsuper na residente ng Maynila ay mabibigyan ng P1, 000 ayuda mula sa City Amelioration Crisis Assistance Fund (CACAF) ng lokal na pamahalaan.

Facebook Comments