TRICYCLE DRIVER, ARESTADO SA BANI, PANGASINAN SA KASONG RECKLESS IMPRUDENCE

Naaresto ng mga tauhan ng Bani Municipal Police Station sa Pangasinan ang isang 43-anyos na tricycle driver mula Quezon City dahil sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide and Damage to Property.

Batay sa ulat ng pulisya, ang pag-aresto ay isinagawa sa bisa ng warrant of arrest na may inirekomendang piyansang ₱10,000.

Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Bani Police para sa karampatang disposisyon.

Facebook Comments