Tricycle Driver, Arestado sa kasong Panggagahasa

10

Cauayan City, Isabela- Arestado ang tsuper ng tricycle na Top 2 Most Wanted Person sa Nueva Vizcaya matapos isilbi ng mga awtoridad ang warrant of arrest nito sa Purok 2, Brgy. Nagcuartelan, Aritao, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang akusado na si Rufino Jacinto, 40-anyos, may-asawa at residente sa nasabing lugar.


Naaresto si Jacinto sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Paul Atolba Jr., Presiding Judge RTC Branch 30, Bayombong, Nueva Vizcaya dahil sa kasong panggagahasa habang tatlong (3) counts ng Acts of Lasciviousness at may piyansang P12,000 bawat isa.

Wala namang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan nito na ngayon ay nasa kustodiya ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments