TRICYCLE DRIVER, ARESTADO SA PAGLABAG SA GUN BAN

Timbog ang isang tricycle driver matapos mahulihan ng hindi lisensyadong baril sa isang burol sa San Vicente, Ilocos Sur.

Nakatanggap umano ng tawag ang pulisya mula sa isang residente at iniulat na mayroong dalang baril ang suspek.

Agad namang rumesponde ang mga pulis upang beripikahin ang impormasyon.

Pagdating sa lugar, hinarap ng mga awtoridad ang suspek at tinanong tungkol sa laman ng kanyang bag. Kusa niyang inilabas ang isang 9mm pistol mula sa kanyang bag na may kasamang magasin na naglalaman ng tatlong bala.

Nang hingan ng pulisya ng kaukulang dokumento para sa pagmamay-ari at pagpaparehistro ng baril, nabigong magpakita ng anuman ang suspek. Bukod sa paglabag sa election gun ban haharap din ang suspek sa kasong illegal possession of firearms and ammunition.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments