TRICYCLE DRIVER AT KASAMA NITO SUGATAN MATAPOS SUMALPOK ANG SINASAKYAN SA ISANG TRUCK

20

Lezo, Aklan-Nagtamo ng sugat sa ulo at paa ang isang tricycle driver at kasama nito matapos sumalpok ang sinasakyan nito sa likod ng isang 6 wheeler truck kaninang mga 9:40 ng umaga sa kanto ng diversion road at Brgy. Bagto Lezo, Aklan.
Kinilala ang driver na si Rexie Gomez, 19 anyos at residente ng Laguinbanwa East, Numancia, Aklan at kasama nito na si Sherwin Inaudito, 20 anyos na taga Brgy. Taywahan sa bayan ng Lezo.
Habang nakilala naman ang driver ng 6 wheeler truck na si Welnemar Gallego, 30 anyos at ang pahenante nito na si Johny Mariano, 20 anyos at parehong residente ng Zarraga, Iloilo.
Ayon kay Pmsgt. Roel Relator ng Lezo PNP, na nanggaling sa Ibajay ang truck matapos magdeliver ng mga feeds at pauwi na sana ng Iloilo habang may karga namang mga sliding window at glass door ang isang tricyle na papunta sa bayan ng Numancia.
Dahil sa mabilis ang pagpatakbo ay sumalpok ito sa likod ng truck sa may diversion road ng Lezo kung saan parehong nagtamo ng sugat sa ulo at paa at sa ibat-ibang parte ng kanilang katawan.
Habang basag naman ang mga glass na karga nito.
Sa ngayon, confine ang dalawa sa hospital habang nasa kostudiya naman ng Lezo PNP ang truck driber at ang kanyang pahinante.

Facebook Comments