Tricycle Driver binaril sa Surigao City

Tricycle Driver binaril sa Surigao City Kinilala ang biktima na si Ramcirie Orivillo Mesa, 42 taong gulang at naninirahan sa Purok Kalipayan, Brgy. Washington, Surigao City. Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP, habang si Mesa ang natutulog sa may harap ng minamanehong tricycle na may body number SC 2419, isang lalaki ang tumayo sa kanyang harapan at binaril siya na kung saan tinamaan ang kaliwang tuhod. Matapos ang pamamaril, diumano’y tumakas kaagad ang suspek sakay ng motorsiklo. Si Mesa ang dinala kaagad ng mga kamag-anak nito sa Caraga Regional Hospital at kasalukuyang nagpapagamot. Nakuha sa pinangyarihan sa krimen, ang isang basyo ng .45 kalibre sa baril. Sa ngayon patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa pangyayari.

Facebook Comments