Tricycle driver, binaril sa ulo patay

Pasay City – Patay ang isang tricycle driver matapos pagbabarilin sa harap ng kaniyang anak sa A. Hidalgo Street, Pasay City.

Dead on the spot ang biktinang si Ricardo Claudio habang matinding trauma naman ang inabot ng limang taong gulang na anak nito.

Ayon brgy. 66 zone 8 captain kay Lennon Tawat, namamasada noon ang biktima nang sundan ng tatlong motorsiklo lulan ang anim na suspek na mga nakasuot ng hoodie at sobrero.


Aniya, isa sa mga suspek ang bumaba saka binaril ang biktima sa likuran ng ulo nito.

Nang masubsob, muling binaril ng suspek ang biktima saka mabilis na tumakas.

Nakuha naman sa pinangyarihan ng pamamaril ang dalawang basyo ng 9mm na baril.

Nabatid na una nang nakulong si Claudio nang masagkot sa gulo sa kanilang lugar.

Facebook Comments