Tricycle Driver huli sa Oplan Sita; Marijuana nasabat sa Balungao Pangasinan

14

Nasabat sa isinagawang Oplan Sita sa Barangay San Aurelio Balungao Pangasinan ang isang bente syete anyos na lalaki matapos itong mahulihan ng hinihinalang marijuana.
Sa report ng pulisya, pinahinto ang naarestong si Rhychel Pagay, tricycle driver at residente ng Nueva Ecija na nagmamaneho ng tricycle.
Nang sitahin ito at hingian ng driver’s license at OR/CR wala itong naipakita kung kaya’t agad na ininspection ang laman ng kaniyang tricycle.
Doon na tumambad sa awtoridad ang isang malaking plastic na naglalaman di umano ng pinatuyong dahon ng marijuana.
Sa ngayon ang suspek at ang nakumpiska hinihinalang marijuana ay nasa kustodiya nan g PNP Balungao.
Haharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments

From Advertisers