Tricycle driver na sinasabing drug pusher, binaril sa loob ng tahanan sa Maynila

92

Isang 43-anyos na tricycle driver na sinasabing drug pusher ang binaril sa loob ng kanilang tahanan sa Tondo, Manila.

Kinilala ang biktima na si Ricardo Gapas, Jr., na nasawi dahil sa isang tama ng bala sa ulo.


Nakunan pa ng CCTV Footage ang pangyayari kung saan isang suspek na nakasuot ng facemask at itim na jacket ang pumasok sa bahay ng biktima.

Ayon sa live-in partner ng biktima na si Rosalie Dimapilig, 43-anyos, nagluluto siya nang maganap ang pamamaril.

Isinugod pa ang biktima sa ospital subalit idineklara itong Dead on Arrival.

Facebook Comments