Apat katao na nag-iinuman sa pampublikong lugar at hindi naka suot ng facemask, arestado sa San Juan City

155

Kalaboso ang apat na kalalakihan kabilang ang isang estudyante at tricycle driver matapos mag-inuman sa pampublikong lugar at hindi pa nakasuot ng facemask sa Rivera Street Barangay Rivera, San Juan City.

Kinilala ang mga suspek na sina Anthony James Calibuso 20-anyos, estudyante; Ronnie Nolasco 40-anyos, tricycle driver; Bayani Domingo 38-anyos, Installer; at  Johndel Patrick Nolasco 27-anyos.


Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nakatanggap ng tawag ang Tactical Operation Center kaugnay sa apat na kalalakihan na nag-iinuman sa naturang lugar kaya ‘t agad na nagtungo ang mga pulis kung saan naabutan pa ang mga suspek na umiinom ng alak at wala pang suot na facemask.

Paglabag sa City Ordinance No. 24 o Liquor Ban, City Ordinance No. 27 o Not wearing facemask at paglabag sa Article 151 of the RPC o Disobedience to an Agent of Person In Authority ang kasong isinampa ng mga pulis laban sa apat na mga suspek.

Facebook Comments