Tricycle driver na tumangay sa motorsiklo ng isang delivery rider sa San Juan City, arestado

Kalaboso ang isang tricycle driver matapos na tangayin nito ang motorsiklo ng isang delivery rider sa No. 133-B A. Luna St., Brgy. Salapan, San Juan City.

Kinilala ang suspek na si Robert Bonifacio y Lim, 43 anyos, tricycle driver at residente ng 135 A. Luna St. Brgy. Salapan, San Juan City habang ang biktima ay nakilalang si Aldrich Perez y Tangi, 20 anyos, delivery rider at residente ng 133-B A. Luna St. Brgy. Salapan, San Juan City.

Batay sa imbestigasyon ng San Juan City PNP, nililinis noon ng biktima ang kanyang Suzuki motorcycle habang nakalagay ang susi sa ignition switch at umalis sandali, dito na ito sinakyan ng suspek at tumakas patungo sa Asinas St.


Agad na humingi ng tulong ang biktima sa sub station 5 at nagsagawa ng follow up operation kasama ang Station Anti-Carnapping na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek sa harapan MEZZA Condominium, Quezon City at pagkakarekober sa motorsiklo.

Facebook Comments