Bata, sugatan sa pagsabog ng granada sa Makati City

63

Manila, Philippines – Isang bata ang sugatan matapos masabugan ang isang nakaparadang tow truck ang bahagi ng Osmeña Highway sa Brgy. Pio del Pilar Makati.

Sa insiyal na impormasyon, dalawang magkaangkas sa motorsiklo ang naghagis ng pampasabog sa likurang bahagi ng truck kaninang ala-una ng madaling araw.

Nadamay din sa pagsabog ng tow truck ang nasa harapan nitong 14 wheeler truck at ang kalapit na bahay.

Tumagos ang shrapnel sa kahoy na pader at natamaan sa kanang braso ang isang apat na taong gulang na bata.

Hinala ng mga otoridad, granada ang sumabog dahil may nakitang pin sa lugar pagtapos ng pagsabog.

Facebook Comments