Tricycle driver, patay na nang matagpuan sa riles ng tren matapos pagbabarilin

128

Manila, Philippines – Patay na nang matagpuan ang isang tricycle driver sa riles ng tren malapit sa Hermosa St. Tondo Maynila kanina.

Kinilala ang biktima na si Micheal Turla, tricycle driver at residente sa lugar.


Ayon sa kapitbahay nito, nakarinig muna siya ng limang putok ng baril bago nito matagpuang nakahandusay na ang biktima.

Wala namang nakakita sa mukha ng suspek.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa motibo at pagkakakilanlan ng suspek.

DZXL558




Facebook Comments