Pangulong Rodrigo Duterte, no show sa opening ceremony ng Belt and Road Forum sa Beijing, China

Beijing, China – No show si Pangulong Rodrigo Duterte sa opening ceremony ng Belt and Road Forum na bahagi sana ng state visit nito sa Beijing, China.

Wala pa namang inilalabas na rason ang Malakanyang kung bakit hindi nakadalo ang Pangulo.

Ang nasabing forum ay parte ng isinusulong na infrastructure project ni Chinese President Xi Jinping na nilahukan ng top leaders mula sa iba’t ibang bansa.


Sa open ceremony, sinabi ni Xi na handa ang China na ibahagi ang “practices development” nito nang hindi nakikialam sa internal affairs ng ibang mga bansa.

Nagsalita rin sa forum si Russian President Vladimir Putin na todo-puri sa large scale initiative ng China.

Kasabay nito, iprinomote ni Putin ang naisin para sa isang Eurasian Economic Union.

DZXL558

Facebook Comments