Tricycle driver, patay sa pamamaril sa Sampaloc Maynila

252

Manila, Philippines – Nakunan ng CCTV camera ang suspect na bumaril at nakapatay sa 38-anyos na tricycle driver na si Angelito Bautista sa Brgy. 567, Sampaloc, Maynila kagabi.

Ayon sa MPD Station 4, nakatambay lang sa labas ng convenience store ang biktima habang umiinom ng kape sa G. Tuazon corner Masbate Street.

Sa footage ay makakikita na dumating ang dalawang nakasakay sa motorsiklo, bumaba ang back rider nito, inilabas ang baril, lumapit sa biktima saka pinaputukan.


Bagamat nakunan ng camera, hirap pa rin ang mga otoridad na matukoy kung sino ang mga salarin dahil pareho silang nakasuot ng helmet.

Sabi ng mga residente sa lugar, walang plaka ang motorsiklo na sinakyan ng mga suspect.

Sa panayam kay Gulod PCP Commander Police Senior Inspector Pidencio Saballo Jr., dati nang sumuko ang biktima sa Oplan Tokhang pero hindi pa rin tumigil sa paggamit ng iligal na droga.



Facebook Comments