Tricycle driver, pinagbabaril patay

47

Manila, Philippines – Patay ang isang tricycle driver matapos pag babarilin sa Camaro St. South Fairview Quezon City.

Mismong sa pinapasadang tricycle namatay ang biktima na nakilalang si Edcel Castillo 27.

Sa initial na imbistigayon , mag aalas-dose ng madaling araw, nagpanggap na pasahero ang gunman at pagsapit sa madilim na eskinita at doon na pinagbabaril si Castillo.

Nang masigurong patay na ang biktima, tumakas ang suspek kung saan hindi na namukhaan pa ng mga saksi.

Palaisipan pa ang motibo sa krimen pero batay sa record ng pulisya kakalaya lang ng biktima matapos makulong ng dahil sa iligal na droga.

Facebook Comments