Kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang isang kwarenta’y nuebe anyos na tricycle driver matapos itong pagtatagain sa Dagupan City.
Ang biktima ay nakilalang si Proceso Ocson habang ang suspek ay nakilalang si Fernando Quebral parehong residente ng Dagupan City.
Naganap ang pananaga pasado alas sais ng Gabi habang nakatigil ang tricycle ng biktima dahil sa traffic ng ito ay lapitan ng suspek at walang ano ano ay agad na pinagtataga.
Nagtamo ng hack wound ang biktima sa likod at kaliwang braso na agad namang naisugod sa pagamutan.
Samantala nahuli naman ng mga rumespondeng Pulis ang suspek at nahaharap na sa kaukulang kaso. |ifmnews
Facebook Comments