Suspek sa pagpatay sa 4-years old na bata sa Las Piñas, ililipat na sa kustodiya ng Manila Boy’s Town, Marikina City

Napagdesisyunan na ilipat na sa kustodiya ng Manila Boy’s Town sa Marikina City ang Child in Conflict with the Law (CICL), na siyang nasa likod ng pagpatay at pagsisilid sa washing machine sa kanyang apat na taong gulang na pamangkin sa Brgy. CAA sa Las Piñas City.

Ayon kay P/Col. Santos, lumabas sa isinagawang evaluation at assessment ng City Social Welfare and Development Office gayundin ng ilang psychologist na tila sinadya ng CICL ang krimen kaya’t nakita ng piskalya na ginawa ito “with discernment”.

Una rito, sinampahan ng kasong “murder” ng Las Piñas City Police Station – Criminal Investigation Division ang 15 anyos na tiyuhin ng biktima.


Magugunitang kabilang sa mga ebidensyang nakalap ng pulisya ay ang screenshot ng post ng CICL kung saan, nakasaad doon ang kaniyang pag-amin gayundin ang pagsisisi sa kaniyang nagawa.

Facebook Comments