TRICYCLE DRIVER, TIMBOG SA DRUG BUY-BUST SA ALAMINOS CITY

Arestado ang isang kwarentay siete anyos na lalaki, may asawa at tricycle driver, sa isang joint operation ng Alaminos City Police at PDEA dahil sa paglabag sa R.A. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Narekober mula sa suspek ang isang plastic sachet na may tinatayang 5 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang Php 34,000. Nakuha rin ang isang Cal. 38 Armscor pistol, pitong bala, limang glass tube pipes, at isang maliit na glass container.

Kasalukuyan na ngayong humaharap sa kaso ang suspek ayon sa batas.

Ayon naman sa Alaminos City Police, bahagi ang operasyon na ito ng kanilang patuloy na pagsisikap na mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan ng publiko. Binibigyang-diin din nila ang kahalagahan ng pagtutulungan ng mga awtoridad at mamamayan para sa seguridad ng komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments