May kabuuang 491 ang tumanggap ng 500 pesos cash assistance mula sa kanilang barangay.
Ito ay inisyatibo ng Barangay San Fermin sa pangunguna ni Punong Brgy. Victor “VJ” Dy Jr. at ang kauna-unahan sa buong lungsod ng Cauayan.
Ang mga nakatanggap ay mga drayber at operator na residente ng San Fermin at mga nakapagparehistro ng kanilang prangkisa sa Cauayan City Licensing Office.
Ginanap naman ang distribusyon kahapon bandang alas 3:00 sa Community Center ng San Fermin.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong Ricardo Tugade na tricycle drayber at isa sa mga benepisyaryo ng naturang programa, labis ang kanyang pasasalamat sa natanggap na subsidiya at sinabi na ito ay malaking tulong lalo na’t mataas ang presyo ng lahat ng produktong petrolyo ngayon.