Umaabot sa 1,000 tricycle drivers sa Quezon City ang nabigyan ng fuel subsidy mula sa lokal na pamahalaan.
Ang mga nasabing tricycle driver ay pawang mula sa District 1 kung saan nakatanggap sila ng fleet card na naglalaman ng P1,000.
Pinangunahan ng Task Force on Transport and Traffic Management (TFTTM) ang pamimigay ng fleet card.
Ang nasabing subsidiya ay bilang tulong ng QC LGU sa mga tsuper na lubhang naapektuhan ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.
Naisakatuparan ang programa sa pamamagitan ng City Ordinance SP 3100 S-2022 na naglalayong mabigyan ng fuel subsidy ang mga may prangkisang tricycle for hire sa Quezon City.
Bukod sa tricycle drivers sa District 1, nakatakda ring bigyan ang ilan pang tricycle drivers sa ibang distrito kasabay ng panghihikok sa iba pa na iparehistro na ang ipinapasadang tricycle upang makatanggap rin ng ayuda mula sa lokal na pamahalaan.