TRICYCLES SA DAGUPAN CITY NA MAY REGULATORY STICKER NA, NASA HIGIT ISANG LIBO PALANG

Nasa higit isang libo palang o halos isang libo at dalawang daan pa lang ang mga pampasaherong tricycles na nadidikitan ng regulatory stickers sa Dagupan City.
Nasa kabuuang bilang na 3250 ang mga Tricycles sa lungsod at wala pa sa kalahati nito ang nainstallan ng decal stickers.
Bagamat ganito, ay inaasahan ng POSO Dagupan ang pag-avail ng mga wala pang stickers lalo na at deadline nang maipakabit ng libre ang stickers sa March 31 ngayong taon. Ang mga PUVs na mahuhuling walang sticker ay pagmumultahin na ng 500 pesos, samantalang ang mga natukoy na mga colorum na sasakyan ay magbabayad ng limang libong piso.

Pinag-iigting ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang paginstall ng regulatory stickers upang matukoy na legal ang mga pumapasada sa lungsod at maiwasan ang mga colorum gayundin ang pinaka reklamo ng mga pasahero, ang over pricing at overcharging.
Samantala, kinakailangan lamang ng mga Sumusunod na mga requirements tulad ng 2023 mayor’s permit na makukuha sa one stop shop, ang Franchise/legalisation, Drivers license, at Booster id. Siguraduhin updated ang lahat ng ipapasang dokumento upang mapahintulutan na magpatuloy sa pagpapasada ang mga sasakyan sa Dagupan City. |ifmnews
Facebook Comments