MGA PAMPASAHERONG JEEP SA DAGUPAN CITY, NAKATAKDA NA RING MAG-INSTALL NG REGULATORY STICKER

Nagsimula kahapon ng isa, March 9, 2023 ang pag-install ng mga DECAL o ang kinakailangang regulatory sticker para maipagpatuloy ang operasyon sa pamamasada ng mga Public Utility Jeepneys sa kahabaan ng lungsod.
Ilang mga pampasaherong jeep na ang nagtungo upang magpakabit ng mga regulatory sticker, samantalang ang iba ay nagpapatuloy sa pagpoproseso ng kanilang mga kinakailangang dokumento upang makumpleto ito at makakuha na ng sticker.
Magpapatuloy ang isinasagawang pag-install ng decal na pinangungunahan ng POSO Dagupan hanggang ika-30 ng Marso.

Pinaalalahanan ng POSO ang lahat ng mga pampasaherong sasakyan sa lungsod ng Dagupan na pagkatapos ng deadline ng pagdikit ng mga ito ay ipapatupad na ang penalty sa mga mahuhuling walang sticker. |ifmnews
Facebook Comments