Trillanes at Bam Aquino, itinanggi na may kaugnayan sila kay Dennis Jose Borbon

Manila, Philippines – Mariing itinanggi nina dating Senador Antonio Trillanes IV at Bam Aquino na may kaugnayan sila kay Dennis Jose Borbon na inaresto ng pulisya dahil sa panloloko at panghihingi ng pera sa ilang pulitiko, kabilang si Senator Bong Go.

Ayon kay Go, napag-alaman din niya na si Borbon ay kumikilos para sa kampanya laban sa administrasyon at nasa likod umano nito ang mga taga-oposisyon tulad nina Trillanes at Aquino.

Pero diin ni Trillanes, wala siyang pakialam kay Senator Go kaya dapat tigilan na siya at huwag idamay sa mga kalokohan nito.


Giit naman ni Aquino, kulang sa pansin si Borbon at malinaw na iniiba ang kwento para makalimutan ang mga krimeng nagawa niya.

Umaapela din si Aquino na huwag paniwalaan ang mga taong gaya ni Borbon na manloloko at sangkot sa mga scam.

Facebook Comments