Mga taga-suporta ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas nanawagan na ibasura ang sedition case laban sa kaniya

Nag tipon-tipon ang mga taga-suporta ni Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa St. John Cathedral Dagupan City upang ipanawagan na ibasura ang kasong sedition na isinampa sa kaniya.

Sa misang isinagawa na pinangunahan ni Auxiliary Bishop Fidelis Layog, nagsama-sama ang mga kabataan, kaibigan, lider ng simbahan at seminarista sa buong Pangasinan upang manindigan sa Arsobispo.

Ayon kay Father Layog, dapat umanong protekatahan ang karapatang tao at manindigan sa katotohanan , kapayapaan para sa taong bayan.


Kaugnay nito nakiusap ang Obispo ng panalangin kay Archbishop Socrates Villegas sa kabila ng kasong ipinupukol dito kasama ng ilan pang Obispo sa buong Pilipinas. Matapos ang misa sinundan ito ng procession at candle lighting.

Facebook Comments