Trillanes, dapat nang matanggal sa Senado ayon kay Secretary Salvador Panelo

Manila, Philippines – Naniniwala si Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo na dapat nang mapatalsik si Senador Antonio Trillanes IV sa Senado.

Ayon kay Panelo, wala namang ginagawa si Trillanes sa Senado kundi manira at intrigahin si Pangulong Rodrigo Duterte pero hindi naman nagtatagumpay.

Kaya naman sinabi ni Panelo na tama lang ang inihaing reklamo ni Senador Richard Gordon sa ethics committee.


Binigyang diin pa ni Panelo na intriga lamang ang mga akusasyon at paratang ni Trillanes laban kay Davao City Vice Mayor Paolo Duterte na miyembro umano ito Chinese Triad at nakakatawa pa aniya ito dahil kahit sino naman aniya ay maaaring magpadesenyo ng dragon na tattoo.

Nabatid na iimbestigahan na ng Senate ethics committee ang inihaing reklamo ni Senador Gordon laban kay Trillanes sa darating na Lunes.

Facebook Comments