Trillanes, patuloy na isusulong ang mga imbestigasyon laban sa umano’y mga katiwalian sa administrasyon

Manila, Philippines – Sa kabila ng mga pinagdadaanan ngayon ni Senator Antonio Trillanes IV ay lalo siyang naging determinado sa pagsusulong ng mga imbestigasyon laban sa umano ay mga katiwalian sa Administrasyong Duterte.

Ayon kay Trillanes, tuluy-tuloy lang ang trabaho niya sa Senado at sa Lunes ay plano niyang makiusap sa pamunuan ng ibat-ibang komite kung saan nakabinbin ang mga inihain niyang resolusyon.

Kabilang dito ang resolusyon para imbestigahan ang multi milyong kontrata sa gobyerno ng security agency na pagmamay-ari ng pamilya ni Solicitor General Jose Calida.


Kasama din ang hiling ni Trillanes na mabusisi ang multi-bilyong kontrata umano sa Davao Region ng construction firm na pagmamay-ari ng ama at half-brother ni Special Assistant to the President Christopher Bong Go.

Facebook Comments