TRILLION PESO MARCH SA PANGASINAN, MATIWASAY; 350 PULIS, IPINAKALAT – PANGASINAN PPO

Naging matiwasay ang kabuuan ng Trillion Peso March sa Pangasinan kasabay ng Bonifacio Day, ayon sa Pangasinan Police Provincial Office.

Base sa impormasyon, 350 kapulisan sa iba’t-ibang bayan ang nagbantay sa aktibidad ukol korapsyon at anomalyang may kaugnayan sa flood control projects sa bansa.

Karamihan sa mga pagtitipon ay ginanap sa mga simbahan at kapilya sa mga barangay kung saan nagdasal at pinalibutan ng putting ribbon ang paligid ng mga gusali.

Sa naunang pahayag ng tanggapan, 350 kapulisan din ang ipinadalang kasapi ng Civil Disturbance Management Contingents sa Metro Manila upang tumulong panatihin ang kaayusan sa mga inorganisang pag-aaklas.

Binigyang -diin ni PPO Officer-in-Charge PCOL Arbel Mercullo ang kahandaan ng kapulisan upang panatilihin ang kaayusan sa lalawigan bilang pangunahing prayoridad ng tanggapan.

Facebook Comments