Tripartite agreement sa pagbili ng COVID-19 vaccine, dapat burahin sa vaccination program

Iginiit ni Senator Leila de Lima sa gobyerno na repasuhin ang vaccination program at alisin ang pag-obliga sa pribadong sektor na pumasok sa tripartite agreements para makabili ng COVID-19 vaccine.

Paliwanag ni De Lima, nagpapabagal sa pagbili ng bakuna ng pribadong sektor ang tripartite agreement o kasunduan na kailangan nitong maiselyo muna sa national government at vaccine manufacturer.

Giit ni De Lima, sa bawat araw ng kapalpakan ay may buhay na nasasayang dahil sa patuloy na paglobo ng COVID 19 cases habang kulang pa rin ang ating bakuna.


Katwiran pa ni De Lima, sa halip na pahirapan ang pribadong sektor na makakuha ng bakuna ay mas makabubuting payagan silang tumulong para mas marami ang mababakunahan bago maging huli na ang lahat para sa marami nating kababayan.

Sabi pa ni De Lima, panahon na siguro para bawasan ang umano’y pamumulitika at red tape para sa ikabubuti ng ating bansa at mamamayan.

Facebook Comments