Tripartite meeting sa pagitan ng US, Japan at Pilipinas, isang pagkilala sa kahalagahan ng ating bansa sa Indo-Pacific Region

Para sa mga kongresista, ang trilateral summit sa pagitan ng Estados Unidos, Japan at Pilipinas ay isang pagkilala sa kahalagahan ng ating bansa bilang mahalagang bahagi ng Indo-Pacific region.

Ayon kay Lanao del Norte 1st District Rep. Mohamad Khalid Dimaporo, ang pulong nina U.S. President Joe Biden, Japan Prime Minister Fumio Kishida at President Ferdinand Bongbong Marcos Jr., ay nagpapatibay sa posisyon ng Pilipinas bilang mahalagang kaalyado nito sa Indo-Pacific.

Binigyang diin naman ni Assistant Majority Leader at Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong na ang pakikiisa sa summit ay nagpapakita ng lumalakas na impluwensya ng Pilipinas sa pagsusulong ng pagtutulungan sa pagtugon sa mga hamon at pagtupad sa nagkakaisang mga layunin.


Para naman kay Davao Oriental 2nd District Rep. Cheeno Miguel D. Almario, ang aktibong partisipasyon ng Pilipinas sa “trilateral summit” ay nagpapakita ng dedikasyon ng bansa sa pagpapalakas ng alyansa at pagsusulong ng katatagan sa rehiyon.

Una ring inihayag ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, isang pagkilala sa liderato at foreign policy ni Pangulong Marcos ang nabanggit na makasaysayang trilateral meeting.

Facebook Comments