TRO laban sa pag-aangkat ng 200,000MT ng asukal ng Sugar Regulatory Administration, inilabas ng RTC

Nagpalabas ng 20 araw na temporary restraining order (TRO) ang Regional Trial Court Branch 73 sa Sagay City, Negros Occidental laban sa pag-aangkat ng 200,000 metriko tonelada ng asukal ng Sugar Regulatory Administration (SRA).

Sa dalawang pahinang utos ng korte na may petsang February 11, 2022, tinukoy ni Executive Judge Reginald Fuentebella na sapat ang iniharap na batayan ng Rural Sugar Planters Association Inc. para masabing maaaring magresulta ng mabigat na epekto sa lokal na industriya ang pag-aangkat ng asukal.

Hindi rin aniya maaaring baliwalain ang direkta at hindi man direktang epekto nito sa buhay ng tinatayang tatlong milyong Pilipino sa sugar industry ng nasabing importasyon.


Itinakda naman ng mababang hukuman sa Feb 24, 2022 ang pagdinig sa motion for the writ of the preliminary injunction.

Ang Negros Occidental ang itinuturing na nangungunang sugarcane producing province sa bansa.

Facebook Comments