Manila, Philippines – Hiniling na ng motorcycle hailing service na Angkas sa Korte Suprema na payagan silang makapag-operate.
Base sa isinumiteng komento ng operator ng Angkas na DBDOYC, Inc. – nakiusap din ito sa Kataas-Taasang Hukuman na ibasura ang petisyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at ang Department of Transportation (DOtr).
Pinababalik din ng Angkas ang injunction na inisyu ng Mandaluyong Regional Trial Court (RTC) kung saan hindi maaring hulihin ng mga tauhan ng LTFRB ang mga pumapasadang Angkas bikers.
Matatandaang naglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Korte Suprema na nagpapawalang bisa sa injunction ng Mandaluyong RTC at ipagbawal ang operasyon ng Angkas.
Facebook Comments