TRO sa NCAP, tiniyak na susundin ng QC

Tatalima ang Quezon City government sa inisyong Temporary Restraining Order (TRO) ng Supreme Court sa pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy o NCAP

Ito ay kahit para sa kanila ay epektibo ang nasabing ordinansa upang mabawasan ang mga lumalabag sa batas trapiko

Ayon sa QC, bumaba sa 93% ang bilang ng mga traffic violators.


Indikasyon na nadisiplina ang mga driver dahil sa takot na mahuli ng mga inilagay na mga CCTV camera

Sa kabilang banda una nang sinabi ng binuong stop NCAP na hindi dumaan sa tamang proseso at agrabyado ang mamamayan dito.

Ito ay dahil sa issue ng pagpapatunay kung sino ang nagmamaneho sa oras ng paglabag at sa polisya ng ordinansa sa pagpapataw ng multa.

Facebook Comments