Valenzuela LGU, inatasan ang mga traffic enforcer na ituloy ang pagbabantay matapos masuspindi ang NCAP

233

Tuloy-tuloy ang panghuhuli sa mga pasaway na motorista, ito ang babala ng Valenzuela Local Government Unit (LGU) laban sa mga pasaway na rider.

Ayon sa pamahalaang lunsod ng Valenzuela, nandiyan pa rin nakakalat sa mga lansangan ang mga traffic enforcer para manghuli ng lalabag sa batas trapiko.

Dahil dito, hindi dapat makampante ang mga motorista sa kabila ng pag suspindi sa NCAP.


Iginiit ng Valenzuela LGU na ginagawa ang nasabing hakbang para na rin sa kaligtasan ng mga motorista.

Facebook Comments