TRO sa Oplan Baklas ng SC, rerespetuhin ng DILG

Irerespeto ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Temporary Restraining Order (TRO) na inisyu ng Supreme Court laban sa ‘Oplan Baklas’ ng Commission on Elections (COMELEC).

Ang ‘Oplan Baklas’ ay ang kampanya ng COMELEC na tanggalin o baklasin ang campaign posters na oversized o nakapaskil sa restricted areas.

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, aabisuhan nila ang lahat ng Local Government Units, Philippine National Police (PNP), at iba pang law enforcement entities na suspindehin muna ang lahat ng plano o isinagawang Oplan Baklas activities ng departamento sa buong bansa, bilang deputized agents ng poll body.


Sinabi ni Malaya na tanging ang Sections 21, 24, at 26 lamang ang subject ng TRO.

Aniya, ang iba pang probisyon ng COMELEC Resolution No. 10730 ay nananatili pa ring ‘binding and effective’.

Facebook Comments