MAHIGIT P5 MILYON CASH GRANTS, IPINAMAHAGI SA 276 NA 4P’S PAMILYA SA CALAYAN ISLAND

72
Cauayan City, Isabela- Umabot sa P5,688,000 ang kabuuang halaga ng cash grants ang ipinamigay ng Department of Social Welfare and Development Field (DSWD FO2) sa 276 na miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Proram (4Ps) sa Calayan Island.

Mula sa Barangay Dilam at Dibay ang mga naturang pamilyang benepisyaryo na nakatanggap ng regular cash grants, Unconditional Cash Transfers, at Social Amelioration Program sa taong 2019 hanggang 2021.

Sa pamamagitan ng cash card mula Land Bank of the Philippines (LBP), matatanggap ang pera ng mga naturang benepisyaryo.

Samantala, sa pagpili naman ng mga benepisyaryo ay batay sa datos na iprinisenta ng National Household Targeting System (NHTS) o LISTAHANAN.

Facebook Comments