Tropa ng Kapulisan sa Cagayan, Tinambangan!

Sugatan ang dalawang myembro ng PNP Rizal Cagayan matapos na tambangan ng mga hinihinalang kasapi ng teroristang NPA.

Ayon sa inisyal na ulat ng PNP Cagayan Pasado Alas Dose kaninang tanghali,Unang araw ng buwan ng Mayo binabagtas ng mga pulis ang kahabaan ng Pambansang lansangan patungo sa Poblacion ng bayan ng Rizal,Cagayan ng paulanan ng bala ang sasakyan ng mga pulis.

Sugatan sa naturang pananambang ang dalawang pulis na nakilalang sina Police Master Sergeants Evelyn Talay at Manuel Deodato.


Nadamay din sa nasabing pananambang ang dalawang sibilyan na hindi pinapangalanan ng mga awtoridad.

Agad naman dumating ang mga Reinforecement Unit ng tropa ng gobyerno kayat napilitan ang mga NPA na umatras.

Mabilis naman na naisugod sa pagamutan ang mga biktima upang lapatan ng kaukulang lunas.

Sa ngayon ang nagsasagawa na hot pursuit operation ang magkakasanib ng pwersa ng PNP at mga Sundalo sa naturang lugar upang habulin ang mga responsableng mga NPA.

Facebook Comments